Paano ito gumagana?

 

Bilang miyembro ng Panel ng Pagsusuri sa Pilipinas ikaw ay iimbitahan bawat oras sa pamamagitan ng email para makalahok ka sa pagsusuri sa mga bagay na may kinalaman sa mga promosyon, mga bagong produkto, at sa mga panlipunang isyu.

Ang pagsali ay 100% na boluntaryo at walang anumang bayad. Maaari mo namang piliin ang hindi sumali sa mga indibidwal na pagsusuri.

Ikaw ay iimbitahan lamang sa mga pagsusuri. Hindi namin ibebenta ang iyong mga email address sa ibang kumpanya, o ang magpadala ng mensaheng pang promosyon o spam sa iyong email.

Alam namin na ang iyong oras ay mahalaga! Sa tuwing nagbibigay ka ng oras upang makasali sa isa sa aming mga pagsusuri, ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na manalo ng pa-premyo. Bago ang mga pagsusuri, kayo ay bibigyan ng impormasyon tungkol sa maaari mong mapanalunan.

Ang bawat isang imbitasyon sa email ay magsasabi sa iyo kung gaano katagal bago matapos ang isang pagsusuri at hanggang kailan ito bukas para sa mga kasagutan. Ang mga pagsusuri ay kadalasang maiksi na aabutin lamang ng 5 hanggang 10 minuto - ngunit ang iba naman ay may katagalan. Kadalasan ang isang pagsusuri ay bukas para sa kasagutan sa loob ng 4 hanggang 7 na araw.

Para sumali sa Panel ng Pagsusuri sa Pilipinas, kailangan naming kolektahin ang iba pang personal na impormasyon na ukol sa iyo. Ito ay nagbibigay sa amin ng pagkakataon na maimbitahan ka sa mga susunod na pagsusuri na may kinalaman sayo at hindi ka na namin kailangan tanungin muli ng katulad na mga katanungan sa tuwing kayo ay makakatapos ng isang pagsusuri. Ang impormasyon ay gagamitin lamang sa isang istatistikong layon o para maipadala sa iyo ang ibang imbitasyon at mga pa-premyo.

Ang iyong impormasyon ay protektado. Hindi namin ipamimigay ang inyong mga personal na impormasyon sa kahit kaninong tao o hayaan ang ibang kumpanya na makita ang iyong personal na impormasyon ( tulad ng: pangalan, email address, at iba pa.) ng walang pangunang kasulatan ng kumpirmasyon galing sayo.


Mga kadalasang tanong:
1. Saan gagamitin ang aking personal na datos?
2. Gaano kadalas akong makakatangap ng imbitasyon para sa pagsusuri?
3. Bakit hindi ako nakatanggap ng kumpirmasyon sa email?
4. Bakit minsan ang pagsusuri ay sarado na bago pa man ang tinakdang oras?
5. Sino ang nagbabasa ng mga resulta?
6. Makakatanggap ba ako ng spam bilang resulta ng pagsali sa Panel ng Pagsusuri sa Pilipinas?


1. Saan gagamitin ang mga impormasyong ibinigay ko?
Ang Inquision ay nangongolekta ng ibang mga personal na datos na may kinalaman sa mga miyembro para sa madaming kadahilanan. Una, hinahayaan nitong matawagan ka para sa isang pagsusuri na maaari mong salihan. Pangalawa, hinahayaan nitong matawagan ka para sa mga pagsusuri na may kinalaman sa yo. Ikatlo, tinutulungan kami nitong analisahin ang mga datos ng aming pagsusuri, halimbawa, ang inyong kasarian, edad, o kung saang rehiyon kayo nakatira.

Mahigpit naming pinapangalagaan ang seguridad ng inyong personal na impormasyon at sinusunod namin ang lahat ng batas na may kinalaman sa pagprotekta ng inyong personal na impormasyon. Sumusunod din kami sa Internasyonal na pamantayan na ibinigay ng ESOMAR (isang organisasyon sa buong mundo para sa pagsusuri ng merkado.) Nangangahulugan na ang inyong datos ay pangangalagaan at hindi maipapasa sa ikatlong partido ng walang pahintulot galing sa inyo.

2. Gaano kadalas akong makakatangap ng imbitasyon para sa pagsusuri?
Hindi namin masasabi kung gaano kadalas ka makakatanggap ng imbitasyon sa kadahilanang nakadepende sa dami ng bilang ng pagsusuring gagawin at pangangailangan ng kliyente. Ang ibang mga miyembro ay makakatanggap ng mas maraming imbitasyon kumpara sa iba sa kadahilanang sila ay kasama sa mga grupong tinatarget para sa tiyak na kliyente.

3. Bakit hindi ako nakatanggap ng kumpirmasyon sa email?
Nababatid namin na ang hotmail (at iba pang email providers) ay kinakategorya ang aming mga liham bilang spam/junk na email. Ito ay nangangahulugan na kailangan mong tingnan ang iyong spam/junk na sipitan (folder) upang makita mo ang aming kompirmasyon sa email (pati na rin ang aming imbitasyon).

Kapag nakita mo ang email sa iyong spam/junk na sipitan (folder) maaari mo na itong ilipat sa iyong inbox at ilagay na gusto mong makatanggap ng mga liham mula sa amin sa mga susunod pang panahon ( Mark as safe)

Kapag ang email ay hindi dumating (maging sa inbox o spam/ junk folder) maaari mo kaming kontakin gamit ang talaan ng kontrata.

4. Bakit minsan ang pagsusuri ay sarado na bago pa man ang itinakdang oras?
Palagian naming sinusubukan na iwanan ang gaming pagsusuri na bukas sa abot ng aming makakaya upang mabigyan ang aming mga miyembro ng pagkakataon na makasagot. Ngunit ang ibang mga proyekto ay mahigpit sa itinakdang oras kaya sinisimulan na naming mag-analisa ng mga datos kapag ang target na bilang ng tao ay sumagot na.

5. Sino ang nagbabasa ng mga resulta?
Kung sino man ang nagbabasa ng mga resulta ay depende sa kliyente na kumausap sa tagasuri.Minsan ang isang pagsusuri ay ginagamit lamang ng kliyente sa sariling kompanya para makagawa ng promosyon o desisyon ng estratehiya. Sa ganitong pagkakataon, ang pagsusuri ay hindi ginagawa sa publiko.

6. Makakatanggap ba ako ng spam bilang resulta ng pagsali sa Panel ng Pagsusuri sa Pilipinas?
Hindi, Ang Inquision ay wala sa negosyo ng pagbebenta ng personal na datos sa ibang partido. Ang mga detalye sa iyong talaan ng impormasyon ay gagamitin lamang ng Inquision para matawagan ka sa isang pagsusuri.

Mahigpit naming pinapangalagaan ang seguridad ng inyong personal na impormasyon at sinusunod naming ang lahat ng batas na may kinalaman sa pag-protekta ng inyong personal na impormasyon. Sumusunod din kami sa Internasyonal na pamantayan na ibinigay ng ESOMAR (isang organisasyon sa buong mundo para sa pagsusuri ng merkado).
(Basahin ang Privacy Policy)


Copyright 2007-2010 Inquision      Privacy Policy